Музыкана peoples.ru

Habang Atin Ang Gabi

Sumapit man ang dilim

Hindi mangangamba

Magkakanlong sa dilim

Hindi nag-iisa

Dahil kapiling ka ooh



Lumalim man ang gabi

Hindi mahihimbing

Aabangan ang buwan

Habang binibilang ang mga bituin



REFRAIN:

Ang luha at dahas

Ng nagdaang umaga

Sa lambong ng gabi

Tila naglaho na

May luha at dahas

Sa darating na bukas

Ngunit habang gabi

Walang mababakas ooh



CHORUS:

Yakapin mo ako

Habang ating ang gabi/mundo

(Habang atin ang...ooh...)



Paglipas ng magdamag

Hindi malulumbay

Dahil buong magdamag

Tayong dal'wa sinta

Nangarap ng sabay



(Repeat REFRAIN)

(Repeat CHORUS 2 times)



CODA:

Yakapin mo ako

Habang atin ang gabi

Habang Atin Ang Gabi /

Добавьте свою новость

Здесь