Музыкана peoples.ru

Вольфганг Кеттерле Вольфганг КеттерлеНемецкий физик, лауреат Нобелевской премии по физике за 2001 г., совместно с Эриком Корнеллом и Карлом Виманом.

Mata Ng Diyos

sa pag mulat ng aking mata

ako'y ginising ng ihip ng hangin

ang sikat ng araw, makulay



sa tabi ng ilog

parang may tumatawag, pabulong

ako'y lumapit sa puno'y may natanaw

dumilim ang araw



bumigat bigla ang aking dibdib

tibok ng puso'y bumilis

ako'y hindi mapakali, ako'y naduduwal

sa pagtitig ng kanyang mata

ako'y kanyang hinusgahan

ligaya kong naramdaman

binawi sa akin

at hindi ko maalala

kung saan galing ito

mga bahid ng dugong dumikit sa aking mga kuko



tumakbo, lumayo sa lugar na 'to

lalamunan ko'y tuyung-tuyo

tumakbo, lumayo sa pagtitig mo

sa mata ng Diyos



biglang umikot ang paningin

liwanag ng araw biglang dumilim

malambing na ihip ng hangin ngayon ay maitim

ako'y nawala sa aking sarili

pati ang lupa'y gumanti

bata, bundok at puno man

sumisigaw, sumisigaw...



at ngayon ko nakita

ang lahat ng kasalanan, tinaboy sa ulan

init at kamunduhan



tumakbo, lumayo sa lugar na 'to

lalamunan ko'y tuyung-tuyo

tumakbo, lumayo at magtago

sa mata ng Diyos



mata ng Diyos...



inalok ako ng isang ahas

pula't matamis na mansanas

pilit ko man hindi makaiwas

sa mata ng Diyos

Вольфганг Кеттерле

Mata Ng Diyos / Вольфганг Кеттерле

Добавьте свою новость

Здесь